Xia Vigor, Mamanahin Ang 14 Na Bahay Na Pagmamay-ari Ng Kaniyang Ama Sa England

Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry magpahanggang ngayon. Sa loob ng limang taon s...

187

Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry magpahanggang ngayon. Sa loob ng limang taon sa showbiz limelight, talaga nga namang pinabilib niya ang publiko sa kaniyang mga talento.

Ang British-Filipino child actress na si Xia Vigor ay unang nakilala noong siya ay tanghalin bilang Grand winner ng segment na ‘Mini-Me 2’ ng ABS-CBN’s noontime variety show, ‘It’s Showtime’. Si Xia ay mula sa Exeter sa United Kingdom ngunit tila siya ay naka-base na ngayon sa Pilipinas.

Si Xia ay opisyal ng miyembro ng Viva Entertainment family matapos niyang pumirma ng kontrata sa nasabing kumpanya noong Enero. Sa kaniyang pagpirma ng kontrata, masaya naman na tinalakay ni Xia ang tungkol sa kaniyang pamilya. Kasama niya noon ang kaniyang ina at ang nakakatandang kapatid na lalaki.

 

 

Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ngayon ni Xia, nananatili pa din siyang mapagkumpapa at gumagamit pa din ng po at opo sa pagitan ng kaniyang mga salita at patuloy na sinasabi na wala umanong nagbago sa kaniyang pamumuhay kahit pa man ngayon na marami na ang nakakakilala sa kaniya.

Sa katunayan nga nyan ay kahit pa man siya ay nasa eskwelahan, sinabi niya na hindi siya tinatrato ng kaniyang mga kaklase bilang spesyal.

 

 

Si Xia ang kauna-unahang grand winner ng segment na ‘Mine-Me 2’ ng Its Showtime bilang Selena Gomez. Siya din ang co-host ng noontime variety segment na ‘Xia and Kuys’ kasama ang iba pang mga co-host na sina Billy Crawford at Vhong Navarro. Siya ay mas nakilala pa ng marami matapos niyang sumali sa Your Face Sounds Familiar: Kids (season 1) at para sa pagi-impersonate niya ng American singer at songwriter na si Taylor Swift.

Noong una, sinabi ni Xia na pangarap niya na maging isang weightlifter, hanggang sa naging salon girl ngunit ngayon ay tila mas gusto na niyang maging isang artista.

 

 

Sa nasabing interview sa child star, ibinunyag ng kaniyang ina na ang ama umano ni Xia ay nagmamay-ari ng 14 na bahay sa England. Sinabi din niya na lahat ng iyon ay mamanahin ni Xia.

Read also:

Toni Gonzaga, First Time Na Ipinasilip Ang Luxurious Bathroom Ng Kanilang Pamilya

Masasabing isa sa pinaka matagumpay at pinaka may magandang takbo ng karera sa industriya ng Philippine Entertainment si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas kilala sa pangalan na Toni Gonzaga.

Hindi naman ito katakataka dahil sa napakahusay nito na bilang isang aktres, singer, television host, producer, entrepreneur at vlogger.

Kaya naman hindi katakataka na magkaroon ito ng magagandang assets katulad ng kanyang bahay. Kaya naman sa kanyang latest vlog ay kanyang ipinasilip ang kanyang napakagandang luxurious na master’s bathroom.

Sa video ay pinakita ni Toni Gonzaga ang luxurious master’s bathroom nito na pina renovate ng kanyang asawa, kung saan ito ay regalo sakanya ni Paul Soriano.

Sa disenyo ng CreativSpaces, ay nagawa nitong mamaximize ang espasyo ng kanilang masters bathroom. Dagdag pa dito ay ang disenyo ay naging simple o sleek minimalist.

Ayon kay Toni, tinanong ito ng kanyang asawa kung ano ang gusto nitong regalo para sa kanilang anniversary at dito ay sinabi niya na wag daw siyang bilhan ng sapatos, bag, okaya naman ay alahas. Sa halip ay ang gusto nito ay ang all-white master’s bathroom.

“Paul asked me last year ano’ng gift daw ang gusto ko for our anniversary. And I just said don’t buy me shoes, bags, or jewelry. Just give me my dream all-white master’s banyo. So, I got Creative Spaces to help me come up with a design that can maximize the space that we have.”

Talaga namang mapapawow ka sa ganda ng luxurious master’s bathroom ni Toni Gonzaga, kung saan ay nakahiwalay ang toilet nito at nang kanyang asawa. Dagdag pa dito ay meron voice command ang lighting system sa kanyang bathroom, na masasabing napaka high-tech talaga.

Ang kanyang masters bathroom ay meron din pinto patungo sa kanilang walk-in closet kung saan meron lugar para sa kanyang mga libro din.

“I love this place kasi this is where I do my quiet time in the morning. This is where I read, this is where I do my reflections.”

Narito ang video na latest vlog ni Toni sakanyang YouTube Channel na Celestine Gonzaga-Soriano. Sa ngayon ay meron na itong mahigit sa 1 million views mula ng maupload ito nito lamang April 26, 2021.