Xian Gaza, kinukwentiyon kung magkano ang inambag ni Ion Perez sa P500k na donasyon nila ni Vice Ganda!

192

Tumirada na naman si Xian Gaza sa pagiging Marites this time si Vice Ganda at Ion Perez ang kanyang napagdiskitahan.

Sa ulat ng TV 5, ibinahagi nila ang naging pagtulong nina Vice at Ion.

Sa kanilang Facebook post nakalahad. Na nagbigay ng 500 thousand pesos ang magkasintahan. Sa online benefit concert ni Regine Velasquez.

Nakalaan ito para sa mga nasaIanta ng ba6y0ng Odette.

Sa comment section ng post ay muli na namang nangintriga si Xian Gaza. Nagtanong ito kung magkano kaya ang ambag ni Ion sa kalahating milyon.

Aniya, “Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa 500K. charot!”

Ngunit dinagdagan naman niya ito ng pasasalamat sa dalawa. “Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!”

Nirepost naman ni Xian ang nasabing balita, kalakip ang screenshot ng kanyang comment.

At sa comment section din ng kanyang post ay ipinaliwanag niya ang kanyang pangkekwestyon kay Ion.

“No hate. Just pure humor. If you find it very offensive sa part ni Ion, here’s the logic: Magiging conjugal lamang ang isang donation kung kayong dalawa ay kasal na. Hangga’t hindi pa kayo kasal, yung financial donation ninyo ay titignan as separate amounts,” saad ni Xian.

Sinabi pa niyang hindi siya hater ni Ion. At sinabing baka nagseselos lang daw siya dito.

Sa ngayon ay wala namang sagot sina Vice at Ion sa pangiintrigang iti ni Xian sa kanilang dalawa.