Xian Gaza, tinanong si Diego Loyzaga kung bakit binibisita si AJ Raval sa Pampanga habang sila pa ni Barbie Imperial!

239

May panibago na namang exp0sé si Xian Gaza laban sa aktor na si Diego Loyzaga.

Matapos nga ang tila pagsagot ni Diego sa mga pasaring ni Xian laban sa kanila ng nobyang si Barbie Imperial. May isiniwalat na namang muli ang internet personality.

Sa latest post kasi ni Diego ay tila wala silang pakialam ni Barbie sa mga ‘hanash’ ni Xian. Puro ingay lamang umano ito kaya dedma lamang ang magkasintahan.

Saad kasi ni Diego sa kanyang post. “Dont get caught up in all that noise. Its just noise. My baby gurl and I are chilllin So sit back, relax, enjoy life.”

Kalakip nito ay ang larawan nila ni Barbie na nag-eenjoy habang sweet na sweet na nakababad sa swimming pool.

Ngunit tila hindi talaga papatalo itong si Xian sa Iabanan ng pasaringan. Una niyang ipinost ay ang pagbati ng magandang araw, pwera lamang daw kay Diego.

Ani Xian, “Just woke up. Magandang araw po sa lahat except kay Diego Loyzaga.”

Ilang minuto naman ang nakalipas ay isang pasab06 na isyu ang isiniwalat ng tinaguriang pambansang sc4mm3r.

Ayon kay Xian ay nabanggit umano sa kanya ni Jeric Raval na binibisita ni Diego ang anak niyang si AJ sa Pampanga.

“Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?” deretsahang tanong ni Xian sa aktor.

JERIC RAVAL: “Hindi tama yan tsk tsk. May girlfriend ka,” dagdag pa nito sa comment section.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Diego ukol dito.